Manila, Philippines – Nagpaliwanag ang Department of Energy (DOE) kaugnay ng biglaang pagbawi nito sa anunsyong bigtime rollback sana sa presyo ng langis ngayong linggo.
Ayon kay Energy Spokesperson Usec. Wimpy Fuentebella – bigla rin kasing binawi ng Saudi Arabia ang produksyon nito kaya gumalaw ang presyo ng langis sa world market.
Aniya, bagama’t maraming nag-ambag sa ikaapat na linggo sanang sunod na tapyas sa presyo ng langis, labis din naman daw ang itinaas ng presyo nito sa merkado bago magsara ang palitan noong nakaraang Huwebes.
Kasabay nito, tiniyak ng DOE na patas na ipatutupad ng gobyerno ang second tranche ng fuel excise tax ngayong taon.
At sakaling magtuloy-tuloy ang taas-presyo sa krudo, nilinaw ng tanggapan na hindi ito gaanong makakaapekto sa mga konsyumer.