DOE, nagsagawa ng ENEReady IEM Campaign 2020 sa mga paaralan

Inihayag ng pamunuang Department of Energy (DOE) na nag-lunsad sila ng isang programa para sa mga magaaral sa bansa na tinawag nilang ENEReady Information, Education and Motivation (IEM) Campaign 2020.

Ayon kay DOE Secretary Alfonso G. Cusi, naunang inilunsad ang IEM Campaign 2020 sa mga Grade 9 students ng Don Enrique Bustamante National High School ng Bago Gallera, Talomo District.

Aniya, ang layunin nito ay mabigyan ng kaalaman kung ano ang mga ginawa sa energy sector ng bansa.


Dahil dito, aniya, makikita ng mga mag-aaral kung ano ang mga potential job opportunities na pwede nilang tahakin sa energy sector sa Pilipinas.

Pinasinayaan ng junior geologists mula sa DOE-Energy Resource Development Bureau, DOE-Renewable Energy Management Bureau, DOE-Mindanao Field Office, at ENEReady Davao team bilang resource speakers ng nasabing programa.

Facebook Comments