Tuesday, April 14, 2026

DOE, nakikipag-usap na rin sa Argentina sa harap ng krisis sa langis

Kinumpirma ng Department of Energy (DOE) na nakipagpulong na rin si Undersecretary Ronald Conquilla kay Ambassador Ricardo Luis Bocalandro ng Argentina.

Ito ay para sa potential partnerships sa Argentina para sa liquefied natural gas (LNG) at sa renewable energy.

Ayon sa DOE, ito ay bilang suporta sa clean energy transition ng Pilipinas sa harap ng Middle East conflict.

Iginiit ng DOE na mahalaga ang mga ganitong hakbang dahil ang international cooperation ay may malaking papel sa pagpapalakas ng energy security ng bansa at sa pagsusulong ng energy mix.

Tiniyak din ng Energy Department ang patuloy nitong pagpapalawak sa pakikipag-ugnayan sa international partners para sa pagsusulong sa energy independence.

Facebook Comments