
Pag-aaralan na ng gobyerno na bigyan ng relief o tulong ang mga kababayang nabibilang sa middle-class.
Ayon kay Senator Sherwin Gatchalian, mayroon silang proposal na magbigay ng targeted subsidies sa mga middle-class kung saan i-a-absorb muna ng gobyerno ang pension premiums sa GSIS at SSS ng mga empleyado ng gobyerno at mga nasa pribadong sektor.
Malaking tulong aniya kung magagawa ito ng pamahalaan lalo’t patuloy ang inflation o mabilis na pagtaas sa presyo ng mga bilihin.
Kapag sinagot muna ng gobyerno ang pension premiums, inaasahang 9 hanggang 10 percent sa kita ng bawat empleyado ang maibabalik o katumbas ng P2,000 hanggang P3,000.
Dagdag pa ni Gatchalian, ginawa na rin ito noong pandemya kung saan nagbigay ang pamahalaan ng zero interest sa mga emergency loans at sinuspindi pansamantala ang pagbabayad ng premiums.
Depende naman sa itatagal ng gulo sa Middle East ang duration ng pagpapatupad ng naturang tulong.










