
Nanindigan ang Department of Energy (DOE) na may sapat na supply ng langis ang bansa sa harap ng giyera sa Gitnang Silangan.
Tiniyak din ni Energy Sec. Sharon Garin na pinaghahandaan na nila ang posibleng lalo pang paglala ng tensyon sa Middle East.
Ayon kay Garin, inatasan na rin ng DOE ang mga kumpanya ng langis na magsumite ng contingency measures, habang ang Philippine National Oil Company o PNOC ay binigyan na rin ng direktiba na maghanap ng mga alternatibong pagkukunan ng supply ng langis sakaling kapusin ng supply ang oil companies.
Nakaabang din ang DOE sa magiging desisyon ng pamahalaan sa panukalang suspindihin muna ang pagpapataw ng excise tax sa oil price.
Ito ay para maibsan ang lalo pang pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.










