DOE, nilagdaan ang dalawang onshore wind contracts na sisimulan sa huling quarter ng 2024

Nilagdaan ng Department of Energy (DOE) ang kontrata kasama ang Mainstream Renewable Power para sa magkahiwalay na proyekto.

Ito umano ay upang mapatatag ng onshore wind projects ang may kabuuang energy capacity na aabot sa 440 megawatts (MW) para sa mga probinsya sa Luzon at Visayas.

Ayon kay DOE Sec. Raphael Lotilla, mapapabilis ang nasabing implementasyon sa hangarin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na i-develop ang indigenous at renewable energy sources ng bansa kasunod ng pag-lift sa foreign ownership restriction sa renewable energy development.


Aniya, isasagawa ang unang offshore wind project sa probinsya ng Cagayan na may capacity na 100 megawatts (MW) habang ang nalalabing 340 megawatts (MW) ay sa bahagi naman ng Panaon Wind Project sa Panaon Island sa Leyte.

Ito naman ang kauna-unahang wholly owned onshore service agreement sa Pilipinas ng kompaniyang mainstream at isa sa mga unang 100 percent foreign-owned companies na nag-develop ng indigenous at renewable energy sources sa bansa.

Facebook Comments