DOE, pinaghahanda ang Meralco sa pagpasok ng summer months

Pinaghahanda na ng Meralco ang mga industrial business sa Metro Manila at kalapit na lalawigan sa kanilang gagawing energy efficiency measures sa buong summer months.

Sa isang pulong balitaan, sinabi ni Meralco Spokesperson Joe Zaldarriaga na lumabas sa pulong ng Department of Energy sa mga power players na dapat nang humanap ng solusyon sa inaasahang pagtaas ng demand sa panahon ng tag-init sa harap ng manipis na power reserves.

Ani Zaldarriga, buwan ng Mayo ang pinaka critical period dahil ito ang kasagsagan ng init ng panahon at dito tumataas ang demand sa power consumption.


Hinikayat din ni Zaldarriaga ang mga malalaking establisimyento na mag load ng dagdag na capacity sa kanilang generator set para iwas perwisyo sa takbo ng negosyo.

Dapat din aniyang magpatupad ng matalino at masinop na power efficiency measures ang mga kabahayan dahil nakabakasyon ang mga kabataan.

Facebook Comments