DOE, pinagpapaliwanag sa pagnipis ng suplay ng kuryente sa Luzon

Pinagpapaliwanag ni Senator Sherwin Gatchalian ang Department of Energy (DOE) dahil sa pagnipis ng suplay ng kuryente sa Luzon na posibleng magresulta sa rotational brownouts.

Ayon kay Gatchalian sa pagdinig ng pinamumunuan niyang Senate Energy Committee noong nakaraang buwan ay nagbitiw ng salita ang DOE na wala silang nakikitang posibilidad na magkakaroon ng kakulangan sa suplay ng kuryente.

Giit ni Gatchalian, hindi maaring magkaroon ng brownouts ngayon kahit ilang minuto lang dahil makakaapekto ito sa storage ng COVID 19 vaccine.


Diin ni Gatchalian, bawat bakuna ay may kailangang lamig ng temperatura na kapag hindi nasunod ay maaring ikasira nito.

Pinaalala pa ni Gacthalian na Abril pa lang ay pinatiyak na niya sa Doe na gawin ang lahat para matiyak ang sapat suplay ng kuryente lalo’t mataas ang demand dito ngayong summer season.

Facebook Comments