Isa, patay; higit 150 bata, nawawala sa isang kidnapping raid sa Nigeria

43

Isa ang patay habang 150 na bata ang nawawala sa nangyaring kidnapping raid sa isang eskuwelahan sa Nigeria.

Ayon kay Niger State Deputy Governor Alh Ahmed Mohammed Ketso, nakikipag-ugnayan na ang otoridad sa grupo ng bandito upang mapalaya ang mga bata.


Dahil naman dito, itinaas ang alerto ng seguridad sa lahat ng paaralan sa rehiyon ng Tegina.

Matatandaang mayroon ding kidnap raid na nangyari sa rehiyon ng Tegina tatlong buwan ang nakakaraan kung saan na-kidnap ang 42 na bata habang lima ang nasawi.

Facebook Comments