DOE pinagsusumite ng inventory reports ang mga kumpanya ng langis

Manila, Philippines – Pananagutin ng Department of Energy (DOE) ang mga kumpanya ng langis na maniningil agad-agad ng karagdagang buwis sa petrolyo sa a-primero ng Enero.

Babala ni Energy Undersecretary Wimpy Fuentebella, posibleng maharap sa administrative at criminal cases at mauwi sa pagpapasara ng tindahan ang mga lalabag na kumpanya ng langis.

Ayon kay Fuentebella, pinagsusumite nila ang mga oil companies ng inventory report para ma-monitor ang mga produktong petrolyong ibinebenta sa gasolinahan.


Nabatid na 15 araw ang inventory stock na mga inangkat na finish products at 30 araw naman kung mula sa refinery.

Layon din nitong malaman kung old o new stock na langis ang ibinebenta ng mga gasolinahan.

Facebook Comments