Manila, Philippines – Nilagdaan na ni Energy Secretary Alfonso Cusi ang utos na “unbundling” o paghimay ng presyuhan ng petrolyo.
Ayon kay DOE Undersecretary Felix William Fuentebella, ilalathala na ito sa mga susunod na linggo bago maging epektibo sa Hulyo.
Sa draft order ng DOE, oobligahin ang mga oil firm na magsumite ng presyo ng imported na petrolyo, biofuels cost, buwis, freight, insurance at iba pang parte ng presyo kabilang na ang kita.
Kasabay nito, tiniyak naman ni Fuentebella na nakahanda sila sakaling kuwestiyunin sa korte ng mga kompanya ng langis ang nasabing utos.
Facebook Comments