Asahan na makararanas pa rin umano ng power interruptions ang Luzon sa kabila ng malamig na klima ngayong Ber months.
Ayon kay Energy Undersecretary Rowena Guevarra, mayroong apat na potensyal na yellow alerts na maaaring mangyari sa Luzon ngayong taon na mino-monitor ng Department of Energy (DOE).
Aniya, nakapagtala ng 70% na pagbaba ang kapasidad ng isa sa hydropower plants sa bansa.
Samantala, pagdating naman sa Visayas, posibleng makaranas ng power interruptions sa gabi dahil walang solar power habang sa Mindanao naman hindi aniya nakikita ang anumang posibleng yellow alerts dahil two-thirds lamang ang demand sa kuryente.
Facebook Comments