Liderato ng Kamara, pinayuhan ang mga Pilipino sa Israel na maging alerto at mag-ingat

Nakiiisa si Speaker Ferdinand Martin Romualdez, sa pagkondena sa nangyaring biglaang pag-atake sa mga inosenteng sibilyan sa Israel.

Bunsod nito ay pinapayuhan ni Romualdez ang mga Pilipino sa Israel, na maging alerto at iprayoridad palagi ang kanilang kaligtasan.

Binanggit ni Romualdez na kumikilos na rin ang Department of Foreign Affairs (DFA), Department of Migrant Workers (DMW), at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) upang alamin at tulungan ang mga Pilipino na naapektuhan sa pag-atake.


Ayon kay Romualdez, ang pangyayari, ay patunay na ang bayolenteng pamamaraan ay nagpapalalim lamang ng hidwaan.

Kaya naman panawagan ni Romualdez sa mga sangkot na partido, humanap ng mapayapang solusyon sa kanilang hindi pagkakaintindihan.

Facebook Comments