DOE: Rollback sa presyo ng langis, asahan pa hanggang sa mga susunod na buwan

Inaasahang magtutuloy-tuloy pa ang pagbaba ng presyo ng produktong petrolyo hanggang sa mga susunod na buwan.

Ito ang inihayag ni Energy Secretary Raphael Lotilla nang tanungin kahapon sa organizational meeting ng Senate Committee on Energy.

Sabi ni Lotilla, wala pang indikasyon na muling aakyat ang presyo ng langis batay na rin sa forecast ng Development Budget Coordination Committee.


Sa kasalukuyan, naglalaro sa $90 o halos ₱5,000 ang presyo ng kada bariles ng langis sa pandaigdigang merkado.

Samantala, posibleng magkaroon nanaman ng rollback sa presyo ng petrolyo sa susunod na linggo batay sa unang tatlong araw ng trading sa world market.

Mahigit ₱3 na kasi ang ibinagsak sa presyo ng kada litro ng imported diesel at kerosene habang piso naman sa gasolina.

Noong Martes, nagpatupad ng mahigit ₱2 rollback ang mga kompanya ng langis sa kanilang produktong petrolyo.

Facebook Comments