Ibinahagi ng Department of Energy (DOE) sa dalawang araw na International Atomic Energy Agency (IAEA) Scientific Forum ang nagpapatuloy na pagsasaliksik ng bansa kaugnay sa ligtas at paggamit ng nuclear energy.
Sa talumpati ni DOE Secretary Alfonso Cusi, sinabi nito na nanghihinayang siya na hindi kaagad nakagamit ang Pilipinas ng nuclear energy bilang alternatibong pinagkukuhanan ng power supply.
Nagbigay rin ng update si Cusi tungkol na Executive Order (EO) No. 116 o paggawa ng Nuclear Energy Program Inter-Agency Committee na pamumunuan ng DOE na layuning i-adopt ang National position kaugnay sa Nuclear Energy Program.
Ang nasabing EO aniya ay aprubado ni President Rodrigo Duterte noong July 24, 2020.
Ang naturang Scientific Forum kaugnay sa “Nuclear Power and the Clean Energy Transition” ay bahagi ng 64th IAEA General Conference na nagsimula noong September 21 hanggang 25, 2020, kung saan may mga tagapagsalita ay mula sa government, industry, at international organizations na magbibigay ng talumpati kaugnay sa global transition mula sa nuclear power hanggang sa paggamit ng clean energy.
Kabilang sa mga tagapagsalita sina Brazil’s Minister of Mines and Energy Bento Albuquerque; United Kingdom’s Secretary of State for Business, Energy and Industrial Strategy and COP26 President-Designate Alok Sharma; United Nations Economic Commission for Europe Executive Secretary Olga Algayerova; International Energy Agency Executive Director Fatih Birol; Urenco Limited Chief Executive Officer Boris Schucht; China Atomic Energy Authority Chairman Zhang Kejian; at CEA Atomic Energy Commission Chairman Francois Jacq.