DOE tiniyak ang kahandaan habang nananalasa ang sama ng panahon sa Visayas

Simula kahapon inactivate na ng Department of Energy (DOE) ang kanilang Task Force on Energy Resiliency kaugnay ng kanilang paghahanda sa inaasahang sama ng panahon dulot ng Low Pressure Area (LPA) o dati’y bagyong Amang habang tinatahak nito ang Eastern Visayas.

Ayon kay Energy Secretary Alfonso Cusi, bente kwatro oras ang komunikasyon nila sa PaGASA maging sa NDRRMC.

Sinabi pa nito na lahat ng National Power Corporation dams ay nasa normal operations.


Nagpatupad narin ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ng preparations and precautionary measures upang mabawasan ang epekto ng sama ng panahon sa transmission operations.

Habang ang National Electrification Administration (NEA) ay pinayuhan ang lahat ng electric cooperatives para sa possible activation ng kanilang Emergency Restoration Organization.

Facebook Comments