Inaasahang bubuti na ang power situation sa Luzon grid ngayong weekend.
Ito ang pagtitiyak ng Department of Energy (DOE) matapos makaranas ang iba’t-ibang bahagi ng rehiyon kasama ang Metro Manila ng rotational browouts.
Ayon kay Energy Undersecretary Wimpy Fuentebella – magkakaroon ng improvement sa power system ngayong araw at bukas bunsod na rin ng mababang demand.
Dagdag pa ng ahensya, tinatayang nasa anim na porsyento ng load sa Luzon o katumbas ng 588 megawatts mula sa higit 10,000 megawatts na demand peak ay nakaranas ng dalawa hanggang tatlong oras na power interruption.
Inaasahang magiging online na ang mga sumusunod na planta:
April 13, 2019 (ngayong araw – Saturday)
- Sual Unit 1 ng team energy
- South Luzon Thermal Energy Corp. Unit
April 16, 2019 (Martes Santo)
- San Miguel Consolidated Power Corp. Limay Unit 2
- Pagbilao Unit 3 ng team energy at Aboitiz Power
April 17, 2019 (Miyerkules Santo)
- Sual Unit 1 ng team energy
Nabatid na ilang beses nang isinailalim sa ‘yellow’ at ‘red’ alert ang Luzon grid dahil sa pagnipis na supply ng kuryente.