DOE, tiniyak na mag-i-improve ang power situation ngayong Semana Santa

Tiniyak ng Department of Energy (DOE) na bubuti ang power supply situation ngayong Semana Santa.

Ayon kay DOE spokesperson, Undersecretary Wimpy Fuentebella – magiging operational ang mga planta at mababa rin ang demand.

Aniya, may tatlong planta ang inaasahang babalik na magdadagdag ng higit 1,000 megawatts.


I-aakyat na rin ng DOE kay Pangulong Rodrigo Duterte ang findings nito hinggil sa red alert warnings at malawakang rotational brownouts.

Sinabi ni Fuentebella na iniimbestigahan nila at kinakalap na nila ang mga impormasyon hinggil nakalipas na pagnipis ng reserba ng kuryente.

Patuloy din ang monitoring ng DOE upang siguruhing nakakamit ang demand ngayong summer season.

Facebook Comments