Tiniyak ng Department of Energy (DOE) sa publiko na sakali man na magkaroon ng power interruption ay maibabalik ang suplay ng kuryente sa mahahalagang establisyemento kung saan magiging prayoridad ang mga ospital.
Masusing binabantayan ng DOE ang power plants malapit sa Bulkang Mayon kahit sa nakalipas na linggo ay walang napaulat na apektado na mga planta partikular na sa dalawang plantang pinakamalapit sa bulkan gaya ng Tiwi Geothermal Power Plant sa Albay at Bacon-Manito Geothermal Power Plant sa Sorsogon.
Ayon kay Energy Assistant Secretary Mario Marasigan, sakali man na magkaroon ng disruption sa linya ng kuryente at magkaaberya sa mga planta, mayroon aniyang black start capability ang Bacon-Manito Geothermal facilities.
Nakabantay rin ang National Grid Corporation of the Philippines sa 285 structures gaya ng towers at mga poste ng kuryente sa loob ng 15-kilometer radius ng Bulkang Mayon.
Samantala, tiniyak ng ahensiya sa publiko na sakali man na magkaroon ng power interruption ay maibabalik ang suplay ng kuryente sa mahahalagang establisyemento kung saan magiging prayoridad ang mga ospital.