Lungsod ng Las Piñas, nakapagtala ng mas maraming aplikante sa inilunsad na mega job fair kasabay ng ika-125th Independence Day

Dumagsa ang nasa 300 na job seekers sa Las Piñas City, at naitala ang mas maraming bilang ng aplikante ngayong araw kumpara noong mga nakaraang Job fair.

Ito’y kasabay pa rin ng selebrasyon ng ika- 125th celebration ng Independence Day, hindi lang Las Piñas ang kasama ng malakihang job fair ngayong araw, maging ang lungsod ng Taguig, Makati, Parañaque, Pasay at ang ilang lungsod sa Metro Manila.

Ayon kay PESO Manager Red Garcia, hindi nila in-expect na dadami ang job seekers dahil maulan at holiday ngayong araw, masaya rin umano sila na maraming aplikante ang nag-apply at patuloy na nadadagdagan ang hired on the spot at hindi pala lahat ay gusto lamang tumambay.


Sa ngayon, mayroong 38 na agencies na nag-aalok ng mahigit 2,000 trabaho sa SM Southmall at Robinsons Place Las Piñas.

Patuloy naman ang panghihikayat ng PESO Las Piñas sa lahat ng mga gusto pang magtungo at mag-apply hanggang alas-3:00 ng hapon ay maaari pa kayong magpunta, huwag kalimutan magdala ng inyong resume at ballpen maging ang ibang dokumento para sa mabilis na proseso.

Facebook Comments