Tiniyak ng Department of Energy (DOE) na sapat ang suplay ng produktong petrolyo sa bansa sa harap ng paglusob ng Russia sa Ukraine.
Ayon kay DOE Oil Industry Management Bureau Director Rino Abad, walang dapat ipangamba ang publiko dahil sapat pa ang supply ng langis sa bansa sa buong taon.
Gayunman, asahan pa rin tataas ang presyo nito dahil sa tinatawag na speculative price bunsod ng nangyayaring gulo sa Russia sa Ukraine.
Hindi man kasi aniya direktang bumibili ng langis ang Pilipinas sa Russia, ang mga trading partners naman natin na China, South Korea, at Japan ay bumibili roon.
Facebook Comments