DOH, nakapagtala ng higit 1,000 na panibagong kaso ng COVID-19 ngayong araw

Nakapagtala ng 1,671 na panibagong kaso ng COVID-19 ang Pilipinas ngayong araw.

Bahagya itong bumaba kumpara sa 1,745 na kaso kahapon.

Dahil dito, umabot na sa 3, 658, 892 ang kabuuang kaso sa bansa kung saan 55,140 ang aktibong kaso.


Nadagdagan naman ng 1,586 ang mga gumaling kaya sa kabuuan ay 3, 547,528 na ang recoveries.

Samantala, sumampa na sa 56,224 ang mga nasawi matapos madagdagan ng 59 ngayong araw.

Lahat ng mga laboratoryo ay operational noong February 23 habang may tatlong laboratoryo naman ang hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System.

Facebook Comments