DOF, kumpiyansang mahahabol ng bansa ang target nitong 6% GDP growth ngayong 2019

Manila, Philippines – Kumpiyansa ang Department of Finance (DOF) na maaabot pa rin ng bansa ang target nitong 6% gross domestic product (GDP) growth ngayong 2019.

Ito ay kahit bahagyang bumagal ang paglago ng ekonomiya sa ikalawang quarter ng taon sa 5.5%.

Mas mababa ito sa 5.6% na naitala noong 1st quarter at 6.2% noong 2nd quarter ng 2018.


Ayon kay Finance Assistant Secretary Tony Lambino, ang bahagyang pagbaba ng GDP growth ay dahil sa delay na pag-apruba ng 2019 budget kung saan nasa P80 billion hanggang P90 billion ang hindi nai-invest para sa mga infrastructure program ng gobyerno.

Isa rin aniya sa factor ay ang nagpapatuloy na US-China trade war.

Sa kabila nito, tiwala ang mga economic managers na makakahabol ang ekonomiya ng bansa dahil na rin sa epekto ng pagbagal ng inflation rate.

Facebook Comments