DOF, kumpiyansang maipapasa ang CREATE bill bago matapos ang taon

Umaasa ang Department of Finance (DOF) na maisasabatas bago matapos ang taon ang Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises o CREATE bill.

Matatandaang aprubado na sa pinal na pagbasa sa Senado ang Senate Bill 1357 na layong ibaba ang corporate income tax rate mula sa kasalukuyang 30% sa pamamagitan ng pag-amiyenda sa National Internal Revenue Code.

Ayon kay Finance Secretary Carlos Dominguez, ang panukalang batas ay bahagi ng stimulus package ng pamahalaan para makabangon ang bansa mula sa pagbagsak ng ekonomiya bunga ng COVID-19 pandemic.


Sa ilalim ng panukala, ang mga domestic enterprises na may assets na higit ₱100 million o mayroong taxable income na nasa higit ₱5 million ay kailangang patawan ng 25% tax rate.

Ang mga foreign corporations ay mayroong fixed reduced tax rate na nasa 25%.

Layunin din nitong i-rationalize ang fiscal incentives at gawin itong time-bound, targeted, at performance-based.

Una nang inaprubahan ng Kamara ang bersyon nito ng corporate income tax reform noong nakaraang taon.

Facebook Comments