Magpapatupad na ang Department of Finance (DOF) ng 4-day work week para mabawasan ang hirap ng kanilang mga empleyado sa araw-araw na biyahe sa Metro Manila sa harap ng matinding init na panahon.
Ayon kay Finance Sec. Ralph Recto, epektibo ang bagong polisiya sa May 1,2024.
Nakatakdang ilabas ng finance department sa mga susunod na araw ang guidelines sa 4-day work week.
Una nang inihayag ng Civil Service Commission (CSC) na maaari namang magpatupad ng 4-day work week basta’t sa loob ng apat na araw na pasok ay papalo pa rin sa 80 oras ang ang ipinasok sa trabaho ng mga kawani at hindi nakokompromiso ang pagbibigay ng serbisyo sa publiko.
Facebook Comments