Hinihintay na lamang ng Department of Finance (DOF) ang karagdagang datos mula sa Department of Labor and Employment (DOLE) bago gumawa ng rekomendasyon kung maaaring i-subsidize ng pamahalaan ang 13th month pay para sa mga manggagawa mula sa micro at small enterprises (MSEs).
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, pinag-aaralan ng DOF ang proposal.
Sinabi ni Roque na ang go-signal ay dapat manggaling sa Finance Department dahil walang mangyayari kahit aprubahan pa ng Malacañamg ang proposal kung wala namang magagamit na pondo para rito.
“Ang mag-a-aksyon po diyan DOF. Kasi kung wala talaga tayong pagkukuhaan ng pondo, kahit aprubahan po ‘yan walang mangyayari,” sabi ni Roque.
Nabatid na naglabas na ang DOLE ng guidelines para sa pagbabayad ng 13th month pay kung saan hindi sila tatanggap ng anumang request para sa exemption o deferment.