Tiniyak ni Finance Secretary Benjamin Diokno sa Senado na hindi matutulad ang Pilipinas sa Sri Lanka na lubog sa malaking utang.
Sa pagdinig ng Senate Ways and Means Committee, nakwestyon ni Senator Sonny Angara, vice chair ng komite na may mga kumakalat na ispekulasyon na matutulad ang debt situation ng bansa sa Sri Lanka.
Sinabi ni Diokno na maingat ang gobyerno sa pangungutang kaya hindi kailanman ito matutulad sa Sri Lanka na gumuho na ang ekonomiya dahil sa hindi makabayad ng utang.
Paliwanag ng kalihim, karamihan ng mga utang ng bansa ay long-term at nasa manageable level pa rin.
Itinuturo naman ni Diokno sa pagsisikap ni dating Finance Secretary Carlos Dominguez III na makahiram ang bansa sa pinakamababang interest rate at sa pagpapalakas ng tax system ng bansa kaya napapangasiwaan pa rin ng maayos ang utang ng bansa.