Tourism industry, 3 taon pa bago makabawi sa epekto ng pandemya

65

Aminado ang Department of Tourism (DOT) na 3 taon pa bago tuluyang maka-recover ang tourism matapos ang epekto ng COVID-19 pandemic.

Kaugnay nito, hinihimok ni Tourism Secretary Christina Frasco ang lahat ng tourism stakeholders na makipagtulungan para mas mabilis na makabawi ang industriya.

Bago ang pandemya, ang tourism sector ay nakakapagbigay ng 12.7 percent na kontribusyon sa ekonomiya ng bansa.


Pero noong taong 2020 ay bumagsak ito sa 5.1 percent at noong nakaraang taon ay 5.2%.

Facebook Comments