DOH-7, umapela sa mga bagong nurse na tumulong sa mga ospital sa laban kontra COVID-19

Umapela ang Department of Health (DOH) sa Central Visayas sa mga bagong lisensyadong nurse na magsilbi sa mga ospital sa gitna ng panibagong surge ng COVID-19 sa rehiyon.

Ayon kay DOH-7 Regional Director Dr. Jaime Bernadas, humingi na sila ng tulong sa Philippine Nurses Association (PNA) para sa pagre-recruit ng mas maraming nurse.

Umapela na rin sila sa Professional Regulations Commission (PRC) na pabilisin ang oath-taking ng mga bagong nursing board passers.


Aniya, nasa 500 nurse ang kailangan sa mga ospital sa Cebu matapos na pataasin ang kanilang bed capacity at intensive care units (ICU) para sa mga pasyenteng may COVID-19.

Facebook Comments