DOH, aminadong hindi pa rin napapababa ang COVID cases sa bansa; Kaso sa Cebu, tumataas na naman

Aminado ang Department of Health (DOH) na tumataas pa rin ang kaso ng COVID-19 sa bansa bagama’t nakokontrol na ito.

Ayon sa DOH, maging sa Cebu ay tumataas na naman ang kaso ng COVID-19 kumpara sa nakalipas na linggo.

Maging ang reproductive number anila ay mataas pa rin bunga ng pagbukas ng ekonomiya at ang pagtaas ng testing capacity.


Kinumpirma rin ng DOH na halos dalawang milyon na ang naisagawa nilang COVID-19 tests.

Sa ngayon aniya ay 19,440 na rin ang medical personnel na nadeploy ng DOH para mag-assist sa COVID patients.

Umaabot na rin sa 954 milyon ang pondong nailabas ng DOH para sa pagkuha ng medical personnel.

Kinumpirma rin ng DOH na 91 na ang lisensyadong COVID testing laboratories sa bansa.

Idinagdag ng DOH na as of July 21, 2020, COVID-free na ang mga lalawigan ng Batanes, Quirino, Aurora at Dinagat Island.

Facebook Comments