DOH, aminadong LSIs ang nakapagpataas ng kaso ng COVID-19 sa Negros Occidental

Kinumpirma ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na ang mga umuwing residente mula Metro Manila ang nakapagpataas ng kaso ng COVID-19 sa Negros Occidental.

Sinabi ni Vergeire na batay sa kanilang pag-verify sa data, tama ang sinabi ng mga lokal na opisyal ng Negros Occidental na ang mga umuwing Locally Stranded Individuals (LSIs) ang nakapagpataas ng kaso ng COVID-19 sa lalawigan.

Kaugnay nito, tiniyak ng DOH na masusi nilang mino-monitor ang sitwasyon sa probinsya para ma-check ang mga pasilidad doon at kung paano tinutugunan ng mga lokal na opisyal ang paglaban sa pandemya.


Una nang kinumpirma ng Negros Occidental Provincial Government na halos dalawang libo na ang COVID-19 cases sa kanilang lalawigan at halos kalahati ng nasabing mga kaso ay mula sa LSIs.

Facebook Comments