Aminado si Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III na mabagal ang paggulong ng COVID-19 vaccination program sa bansa.
Ayon kay Duque, taliwas ito sa bilis na inaasahan ng pamahalaan.
Paliwanag nito, nag-uumpisa pa lamang ang gobyerno na isa sa dahilan ng mabagal na usad nito.
Ikalawa, hinahayaan nila mamili ang mga healthworkers ng brand ng bakunang nais iturok sa kanila.
Ikatlo, kumakain aniya ng oras ang obserbasyon sa posibleng adverse symptoms sa mga indibidwal na nakatanggap ng bakuna.
Samantala, batay sa huling tala ng DOH, nasa 83,000 health personnel at 114,615 Pilipino na ang nabakunahan mula sa target ngayong taon na 70 million.
Facebook Comments