DOH, aminadong may “global shortage” ng anti-rabies vaccine

Aminado ang Department of Health (DOH) na may global shortage pa rin sa human rabies vaccine.

Ayon kay Health Undersecretary Rolando Enrique Domingo – nananatiling may kakulangan sa supply ng anti-rabies vaccine at inaasahang magno-normalize ito sa taong 2020.

Aniya, mayroong 50% gap ang DOH sa supply ng human anti-rabies vaccine.


Sa kabila nito, pinaigting ng DOH ang kampanya para sa animal vaccination upang maiwasang kumalat ang rabies.

Hinimok ng DOH ang publiko na maging responsible pet owners.

Sa tala ng DOH, ang rabies ay responsable sa kamatayan ng halos 200 Pilipino kada taon at 99% ng rabies transmissions ay nakukuha mula sa mga aso.

Mula January 1 hanggang February 16, 2019, mayroong 21 kaso ng rabies sa buong bansa.

Facebook Comments