Patuloy ang ginagawang hakbang ng gobyerno para malabanan ang pagkalat ng sakit na dengue sa bansa.
Sa ngayon higit sa 100,000 na ang nagkasakit habang lagpas na sa 400 katao ang namatay.
Kasabay nito aminado si DOH Secretary Francisco Duque III na sa ngayon wala pang antibiotic, wala pang anti-viral at wala pang vaccine na panangga sa sakit na dengue.
Tanging magagawa lamang natin ay ang community effort upang mabawasan ang mga nagkakasakit o namatay sa dengue.
Samantala, nagpunta sa iba’t-ibang bansa si Secretary Duque para malaman ang sitwasyon sa paggamit ng Dengvaxia.
Sa Malaysia mas mataas ang insidente ng sakit na dengue pero tutol pa rin sila sa paggamit ng Dengvaxia at marami pa dapat pag-aaral na ikonsidera.
Habang sa Thailand, Indonesia, Singapore ginagamit ang Dengvaxia pero limitado para lubos na ma-monitor ng doktor ang kondisyon ng pasyente.