Lagay ng panahon ngayong araw, alamin!

Lalo pang lumakas ang bagyong “Hanna”.

Alas 10:00 kaninang umaga, huling namataan ang bagyo sa layong 875 kilometers silangan ng Tuguegarao City, Cagayan.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 85 kilometers per hour (kph) malapit sa gitna at pagbugsong 105 kph.


Lumakas din ang habagat na nagdadala ngayon ng malalakas na pag-ulan sa Cavite, Batangas at Mimaropa.

Mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan naman ang mararanasan sa Western Visayas, Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon.

Magandang panahon naman ang iiral sa nalalabing bahagi ng Visayas at buong Mindanao.

Samantala dahil sa bagyo, apat na biyaheng Manila-Busuanga-Manila ang kinansela ng CebGo at Skyjet.

Facebook Comments