DOH, aminadong wala pang test para matukoy ang mga kaso ng “Long COVID”

Aminado ang Department of Health (DOH) na wala pang test para matukoy ang mga kaso ng “Long COVID” o ang kondisyon kung saan tumatagal ng ilang buwan ang mga sintomas ng COVID-19.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, pinakamainan na gawin ng mga nakakaranas ng “Long COVID” ang magpakonsulta sa doktor o health care provider.

Aniya, ang “Long COVID” o pag-ubo, hirap na paghinga, pananakit ng dibdib at katawan o iba pa ay tumatagal ng dalawang buwan o higit pa ngunit hindi na nakakahawa.


Giit ni Vergeire, hindi dapat balewalain ang nararanasang mga sintomas ng “Long COVID” lalo na kung nahihirapan sa paghinga.

Muli namang hinikayat ni Vergeire ang publiko na magpabakuna na bilang dagdag proteksyon laban sa COVID-19.

Facebook Comments