DOH ARD Dr. Alberto:Simpleng Lagnat, Sipon ay Komunsulta sa Barangay Health Center

Cauayan City, Isabela- Muling pinaalalahanan ng Department of Health (DOH) region 2 ang publiko sa mga hakbangin na pwedeng gawin kung makaranas ng lagnat, sipon o yung mga mild cases.

Ayon kay DOH Assistant Regional Director Dr. Faith Alberto, kapag nakakaranas ng simpleng lagnat at pag-uubo ay maaaring magpakonsulta sa Barangay Health Emergency Response Team (BHERT) o sa Municipal/City Health Office at huwag kaagad dumiretso sa third level hospital gaya ng CVMC, R2TMC, at SIMC.

Ito ay upang bigyang prayoridad ang mga pasyenteng may malalang sakit o severe cases.


Kapansin-pansin aniya na maraming mga tao ang direktang pumupunta sa mga malalaking hospital na maaari namang magpasuri ang ang mga ito sa mga RHU kung mild symtoms lang ang nararamdam ng mga ito upang mabawasan ang mga kliyente sa mga malalaking hospital na tanging ang mga may malala sypmtomas ang inaasikaso dahil sa paglobo ng mga timaan ng covid sa buong rehiyon

Kung ang isang pasyente ay asymptomatic o walang nararamdamang sintomas ng COVID-19 ay dumiretso sa mga barangay upang kaagad itong maisailalim sa assessment.

Ayon pa kay Dr. Alberto, maaaring tawagan ang mga hotline sa bawat barangay upang kaagad na mapuntahan at mabigyan ng paunang lunas ng mga health worker.

Facebook Comments