DOH ARMM nakiisa sa panawagan para sa hustisya ng pinaslang na si Dr. Perlas

Mindanao, Philippines-  Nakikiisa ang Department of Health-ARMM sa pamumuno ni Sec. Dr. Kadil Sinolinding sa panawagan para sa hustisya sa pinatay na barrio doctor na si Dr. Dreyfus Perlas na nakadestino sa Sapad, Lano del Norte.


Bagamat hindi na sakop ng ARMM ang lugar kung saan nakatalaga si Dr. Perlas ay nakakaramdam pa rin ng lungkot at panghihinayang bilang kabaro ng pinaslang na doktor at dahil karamihan sa pinagsisilbihan ni Dr. Perlas ay Bangsamoro.


Dahil sa insidente posible umanong malagay sa alanganin ang mga programang ipinatutupad ng ahensya dahil sa takot na idinulot ng insidente sa mga doctor na nakatalaga sa ARMM sa ilalim nf Doctor to the Barrio program.


Nabatid na umaabot sa 22 doktor ang naitalaga sa rehiyon sa ilalim ng programa na karamihan ay nakadestino sa lalawigan ng Lanao del Sur.


Sinabi pa ni Sec. Sinolinding na katulad ni Dr. Perlas  karamihan sa mga volunteer doctors sa rehiyon ay nagmumula sa iba’t-ibang mga lugar labas ng ARMM.


Pauwi na si Perlas, ganap na alas-7 ng gabi noong Marso 1 nang siya ay pagbabarilin.


 


Si Perlas ay ang municipal health officer ng Sapad sa Lanao del Norte at
tubong Aklan.





 

 

Facebook Comments