Lalaking nahulog sa balon sa Capiz, patay

50

Manila, Philippines-Dead on arrival sa Roxas Memorial Provincial Hospital ang 42-anyos na lalaki matapos mahulog sa balon.

 

Ang insidente ay nangyari sa barangay Poblacion, Sapian, Capiz.

 

Sa inisyal na pag-usisa, ikinagulat na lamang ng mga kaanak ng biktimang si Pedro Acevedo na hindi na ito nakauwi sa kanilang bahay.

 

Nang hinanap, doon na at natagpuan ito sa loob ng kanilang balon na tinatayang 20 metro ang layo sa kanilang bahay.

 

Iniimbestigahan pa kung paano nahulog ang biktima at kung may foul play sa pangyayari.

Facebook Comments