DOH at BOC, naghahanda na sa pagdagsa ng vaccine supply

37

Naghahanda na ang Department of Health (DOH) at Bureau of Customs (BOC) sa inaasahang pagdagsa ng COVID-19 vaccines sa mga susunod na linggo.

Ang BOC ay tinanggap ang imbitasyon ng DOH na talakayin ang customs clearance para sa mga inaangkat na bakuna sa Port of NAIA maging ang iba pang inisyatibo ng kawanihan na mapabilis ang pagpasok ng mga bakuna.


Humingi rin ang DOH ng tulong sa iba pang paliparan sa pag-adopt ng best practices ng Port of NAIA lalo na sa vaccine importations sa Cebu at Davao.

Nabatid na nasa 12.25 million COVID-19 vaccine doses ang inaasahang ipapadala sa bansa sa Hunyo.

Facebook Comments