Nagtulong na ang Bureau of Customs (BOC) at Department of Health (DOH) para mapabilis ang paghahatid ng COVID-19 vaccines sa Visayas at Mindanao.
Partikular na i-de-deliver agad sa naturang mga rehiyon ang mga bakuna ng Pfizer.
Nakalatag na rin ang “contingency plans” para sa posibleng kalamidad at emergencies na maaaring mangyari sa kasagsagan ng delivery ng mga bakuna.
Pinatitiyak naman ng DOH sa BOC na maipatupad ang customs procedures upang matiyak ang mabilis na paglalabas at distribusyon ng mga bakuna sa Visayas at Mindanao.
Kasama na rito na paghahanda sa mga paliparan, kung saan pinoproseso ang releasing at handling ng mga bakuna.
Facebook Comments