Padadalhan na ngayong araw ng subpoena ng Office of the Ombudsman ang Department of Health (DOH) at Department of Budget and Management (DBM).
Sinabi ni Ombudsman Samuel Martires, pipirmahan niya ngayong araw ang mga subpoena laban sa mga opisyal ng DOH at DBM para mapasagot sa mga isyung may kinalaman sa pagtugon ng gobyerno sa COVID-19.
Kabilang sa mga padadalhan ng subpoena ay sina Health Secretary Francisco Duque III at mga matataas na opisyal ng kagawaran at maging ng DBM.
Ayon kay Martires, hindi ito dapat ikabigla ng DOH at DBM dahil March 15, 2020 nang magsimula sa pagsisayasat ang Ombudsman ngunit pinaikot-ikot lamang sila.
Nilinaw ni Martires na gagawin nila ang imbestigasyon upang mabigyan ng patas na pagdinig ang mga DOH at DBM officials at masagot ang mga alegasyong may naganap na kurapsyon sa panahon ng pandemya.