DOH at DICT, isinasapinal ang COVID vaccine passport

Naniniwala ang pamahalaan na ang vaccine passport ang paraan para makabalik na sa normal na pamumuhay ang mga Pilipino.

Sinisimulan na ang pagbuo ng uniform vaccine passports para sa mga taong nabakunahan na laban sa COVID-19.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang Department of Health (DOH) at Department of Information and Communications Technology (DICT) ang inatasan para sa pagbuo ng vaccine pass.


Makatutulong ang vaccine pass para sa ligtas na domestic at international travel.

Layunin ng vaccine passport ang magsisilbing patunay sa vaccination status ng isang tao.

Facebook Comments