DOH at DOLE, pinakikilos laban sa public offices at private companies na hindi sumusunod sa minimum health protocols

Pinakikilos ni Ako Bicol Partylist Rep. Alfredo Garbin Jr., ang mga ahensya ng gobyerno laban sa mga pampublikong opisina at mga pribadong kumpanya na hindi sumusunod sa mga health protocol sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Partikular na pinatutukoy sa Department of Health (DOH) at Department of Labor and Employment (DOLE) ang non-compliance sa minimum health protocols ng government offices at private companies.

Ito ay dahil madalas na ang mga kaso ng COVID-19 ay sa workplace o sa trabaho nakukuha.


Iginiit ng mambabatas na salig sa data privacy law at regulation ay ipaalam sa mga kumpanya ang COVID-19 results na nakuha sa kanilang workplace.

Dito ay bibigyan ng notice ng DOH ang mga kumpanyang may naitalang COVID-19 positive kung saan kailangan munang suspendihin ng dalawang araw ang operasyon para matiyak ang pagsunod sa disinfection at sanitation measures.

Pinasisiguro rin ng kongresista na may kaukulang tulong o assistance na makukuha ang empleyadong nagpositibo sa sakit.

Facebook Comments