DOH at DOST, pag-aaralan ang antibody response ng mga bakuna

Magsasagawa ng pag-aaral nag Department of Health (DOH) at Department of Science and Technology (DOST) hinggil sa antibody response ng mga nabakunahan laban sa COVID-19.

Ayon kay Vaccine Experts Panel Head Dr. Nina Gloriani, kukuha sila ng mga taong nabakunahan at pag-aaralan kung ano ang galaw ng antibodies sa kanilang katawan matapos mabakunahan.

Aalamin din sa pag-aaral kung gaano katagal ang naibibigay na immunity ng bakuna.


Pero sa mga inisyal na pag-aaral ay kaya nitong magbigay ng proteksyon ng anim hanggang walong buwan.

Gagawin ang pag-aaral kasama ang Biosurveillance ng DOH sa mga bagong variants ng COVID-19.

Kaugnay nito, nanawagan naman si Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa publiko na mag-focus sa benepisyong matatanggap ng COVID-19 vaccine sa halip na tingnan ang efficacy rates nito.

Hindi dapat aniya ipinagkukumpara ang mga bakuna dahil ang mga datos sa clinical trials ang dapat ikonsidera.

Facebook Comments