DOH at DOT, suportado ang inaprubahan ng IATF na uniform travel protocols para sa mga LGU

Suportado ng Department of Health (DOH) at Department of Tourism (DOT) ang inaprubahan ng Inter Agency Task Force (IATF) na uniform travel protocols para sa lahat ng mga Local Government Units (LGU).

Sa Laging Handa Public Press Briefing, sinabi ni DOH Spokesperson Usec. Maria Rosario Vergeire, malaki ang suporta nila sa naturang desisyon ng IATF dahil kadalasan umano ay nagiging irasyonal na ang mga travel requirement.

Dagdag pa ni Vergeire, ayon sa mga eksperto na mas mainam na sumailalim na lamang ang mga may sintomas ng virus at i-monitor ang mga biyahero na pumasok sa isang LGU.


Ayon naman sa DOT, ikinatuwa nila ang naging desisyon na kautusan ng IATF sa lahat ng lokal na pamahalaan na layong luwagan ang mga protocol sa pagbiyahe sa bansa.

Sa isang panayam, sinabi ni DOT Sec. Bernadette Romulo-Puyat, maraming matutuwa dahil hindi na ganon kahigpit para makapunta ka sa isang LGU lalo ng magsa-summer.

Aniya, layon ng mga LGU na buksan muli ang kanilang turismo nang ligtas sa kanilang mga lugar at mabigyan ng trabaho ang mga manggagawa na nawalan ng pagkakakitaan sa turismo.

Facebook Comments