DOH at DOTr, nagsagawa ng inspeksyon sa PITX

Nag-inspeksyon ang ilang opisyal ng Department of Health (DOH) at Department of Transportation (DOTr) sa ParaƱaque Integrated Terminal Exchange (PITX).

Ito’y kaugnay sa paghahanda para sa inaasahang pagdagsa ng mga pasahero ngayong holiday season.

Mismong sina Health Secretary Francisco Duque III at Transportation Secretary Arthur Tugade ang umikot sa PITX kung saan nais nilang masiguro na nasusunod ang mga inilatag na health protocols ng pamahalaan.


Maging ang ilang kainan at establisyimento na nasa loob ng PITX ay kanila rin ininspeksyon habang may ilang pasahero ang sinita ni Duque dahil sa hindi tamang pagsusuot ng face mask at face shield.

Ikinatuwa naman ng DOH at DOTr ang ilang mga protocols na inilatag ng pamunuan ng PITX tulad ng markings, disinfection booths at mga nakaposteng security guard na nagpapaalala na dapat sundin ang physical distancing.

Facebook Comments