Nagbabala ang Dept. of Health (DOH) at Food and Drug Administration (FDA) sa pagbili online ng medical supplies
Nauuso na rin kasi ang pagbebenta ng Medical Devices sa mga Online Shopping Platform.
Sa abiso ng FDA, pinaaalahanan nila ang kanilang consumer at mga healthcare professional na iwasan ang pagbili at paggamit ng mga hindi rehistradong medical devices na iniaalok sa isang Online Shopping Platform.
Ayon kay DOH Asec. Charade Mercado-Grande, malinaw na paglabag ito sa FDA Act of 2009 kung saan mahigpit na ipinagbabawal ang pagbebenta o pag-advertise sa mga health product na hindi awtorisado.
Giit ng DOH, hindi lang ang distributor, kundi maging ang mga seller ang kailangang magpaliwanag kung mahuling nagbebenta ng hindi rehistradong produkto.
Paalala ng DOH, mas ligtas pa ring bumili ng medical products sa Drug Store.