DOH at PNP, hinimok na bumuo ng malinaw na guidelines para sa house-to-house search sa mga pasyenteng may COVID-19

Hinimok ni Integrated Bar of the Philippines (IBP) President Atty. Domingo Egon Cayosa, ang Department of Health (DOH) na magkaroon ng malinaw na guidelines sa pagsasagawa ng house-to-house visit sa mga COVID-19 positive patients.

Sa interview ng RMN Manila sinabi ni Cayosa na malaking tulong ang paglalabas ng guidelines para hindi maganap ang pangambang militarisasyon, sa pagitan ng publiko at gobyerno.

Wala ring maidudulot na maganda kung magkaiba ang sinasabi ng mga ahensiya ng pamahalaan dahil nabibigyan lang ng maling impresyon ang pagsasagawa ng house-to-house visit.


Kasabay nito, nilinaw ni National Union of People’s Lawyers (NUPL) Secretary General Atty. Katherine Panguban na hindi sila tutol dito.

Pero aniya, dapat munang magkaroon ng pagtiyak na masusunod at kikilalanin ang karapatang pantao ng mga Pilipino sa gitna ng pandemya.

Facebook Comments