Nakatakdang bumili ng bakuna kontra COVID-19 ang Department of Health (DOH) mula sa Chinese Pharmaceutical company na Sinovac.
Ito ang kinumpirma ni Health Sec. Francisco Duque III kasunod ng pagkakaloob ng Emergency Use Authorization (EUA) ng Food and Drug Administration (FDA) sa Sinovac.
Ayon kay Duque, aabot muna sa 50,000 doses ng bakuna ang kanilang babayaran mula sa pondo ng ahensiya.
Kasama ito sa 600,000 doses ng bakuna na ibinigay sa Pilipinas ng gobyerno ng China.
Facebook Comments